Sunday, December 6, 2009

December 7

hindi alintana kahit pa halos di nakatulog
masakit ang ulo,
mabigat ang talukap ng mga mata,
mabigat ang dibdib,
tumingin sa oras at
nakita ang petsa
sumikdo ang dibdib
inalala ang araw na nagbago ng buhay
ang araw na nagbigay buhay
umawit, umindak sa awit ng pag-ibig
hindi alintana ang anumang sakit

Saturday, February 28, 2009

Sabado

gumising ng maaga
at isa-isang ginawa ang mga trabahong
halos walang katapusan...

sana, may katulong na nagbubuhat
ng mga pinamili, namintig ang mga braso
sa bibigat ng mga binuhat
kaban ng bigas, sanlaksang inumin
at kung anu-ano pa
sana may katulong na pumapasan
ng namimintig na puso
sa pagbubuhat ng kung
anu-anong bigat at kasakitan

sana may kasama
habang nagmamaneho ng
sasakyan sa pagpunta kung saan-saan
sana hindi nagiisa sa pagtawa
sa nakakatuwang panoorin
sana hindi nagiisa sa pagiyak
sa malulungkot na mga pelikula
sana hindi nagiisa sa pagsasayaw
sa nakakaindak na musika
sana may kasama sa pagmamaneho
ng buhay

ipipikit na lang mga mata...
habang kinakapa katabing
malamig na unan
Tapos na naman ang Sabado

Saturday, January 24, 2009

walang anino

madilim ang gabi
walang maapuhap na anino
sa malamlam na liwanag ng buwan
tinatanaw ang dating tahanan
na pinanawan ng pagmamahal
paalam mga taon ng pagpapagal
na ginugol sa iba't-ibang lugar
paalam sa mga pangarap
na binuo sa gitna ng gumigiting pawis

hahagilapin panibagong bintana sa dilim

Sunday, January 18, 2009

You are tagged


I have been tagged by a good network friend Yoonamaniac and here are the rules:
1. Go to your picture files
2. Go to your 6th folder
3. Go to your 6th picture
4. Tell us about it
5. Tag 6 friends to do the same

This is the picture that I have as above, my kids and I attended a wedding last Saturday 10th January 2009, took a picture with their cousins who traveled from Canada to attend a warm down-under wedding. From left is my niece Ruth Santos, Kyle Mercado, my 17-year old son (note of the nudie black pants he's wearing, he's a musician that's why), my nephew Allan Santos, who is a professional DJ, my eldest daughter Jammy (23 yr old, who is a graphics designer, can you imagine how picky she is with her clothes), my daughter Shelley (20 yr old, who is a star admin officer in her work, but seeing herself running a beauty salon of her own, she did our hair and make-up for the day).

There. Now tagging http://hipncoolmomma.com/, http://www.janep.org/http://kennykerol.blogspot.com/, http://sardonicnell.wordpress.com/, http://maver.wifespeaks.com/, http://nethead.blogspot.com/

Will email you of the tagging rules.

Thanks....

Saturday, January 17, 2009

Huwag

mga mumunting pangarap
sa ga-mundong pagitan
pusong pinipilit tumugon
sa mga lunggating naguumalpas
pag-ibig na tumatawid
sa malayong karagatan
alipin ng pangamba ng pag-iisa
ipagpatawad
mga bagay na hinakbangan
mga sansalang sinalag
mas nanaising bigkasin paalam
huwag lamang makitang nasasaktan
pag-ibig ng buhay

Friday, January 2, 2009

Goodbye 2008

2008 brought a lot of losses in my life, the sudden passing of a nephew so dear to me and a sister in law, the marriage of 23 years, and the house of my dream.

But I have so many non-physical, unseen treasures gained. Family and friends who stand by me through all the storms I had. The three treasures of my life, my children who have shown their love and the support no matter what. The life-lessons learned, the forgiveness, and the readiness to face any challenges in the coming year.

Thank you and Goodbye 2008.

daing

araw, oras, mga sandaling
tahak ang daan ng pagod na mundo
balakid hindi maubos
sinubok lahat ng pagkatao
katawan, isip, at damdaming hapo
sa paglubog ng araw isusuko

ipagpatawad mga munting hinaing
amot ng ligaya laging daing
ito'y mga paraan ng pagmumulat
ng saysay ng maigsing buhay
dinggin, damhin, angkinin
katawang takot manimdim

musmos

nag-iisip din ba ang mga kalabaw?
kaya bang hawakan ang hangin?
bakit walang pakpak na katulad ng mga ibon?
masarap kayang humiga sa mga ulap?

mga tanong nung ako'y bata pa
habang nakahiga sa mga latag ng diyami
habang nag-iisip, nangangarap nung ang diwa'y
di pa nasasaling ng mga karanasan

bakit hindi nag-iisip ang mga hunghang?
bakit hindi mo tinupad ang iyong mga pangako?
bakit hindi ko maabut-abot ang mga pangarap?
bakit nag-iisa sa pagtulog?

Ah mga nagdaang taon... masdan mo ang mga bagong tanong