Monday, December 29, 2008

hinga

sulyap sa bukang liwayway
titig sa pagitan ng
malayong agwat
pagdinig sa musikang dala
ng bawa't pag hinga
pinaglakbay na mga halik
walang hadlang
para damhin...
mga haplos ng pag ibig

Saturday, December 27, 2008

damong ligaw

payak na mga pangarap
mababaw na kaligayahan
buhay na pinagtibay ng hirap
tinangay ng buhawi ng pangangailangan
parang isang damong ligaw
walang mga kamay sa binhi'y nag-ingat
nagpasalin salin sa mga hangin
tumayo sa sariling ugat
umamot ng mga hamog sa gabi
kahit sa gitna ng hirap
pinilit mag-usbong ng bulaklak
upang umakit ng mga mata
kailan may maglilinang
kailan paligid ay babakuran
upang hindi na muling bunutin
ng mga mapagkunwaring mga kamay...

Friday, December 26, 2008

Christmas

The special present I got on Christmas...

"Sabi mo Pasko na naman, para sa walang pagkakupas na Pasko at walang hangganang Pag-ibig".

Wednesday, December 17, 2008

Kailan

Ilang dahon na ng buhay ang mga nalagas
Nabibilang na lang ang ilan pang pagsibol na darating
Bakit parang hinahabol ang pagdaan ng mga araw
Bakit laging parang kulang ang mga sandali

Kailan magkikita ang mga sikat ng ating araw
Kailan natin aakyatin ang mga pangarap sa iisang hakbang
Kailan magsasabay ang mga kamay ng ating mga oras
Kailan tatanawin ang paglubog ng iisang buwan
Kailan mararating ang tinatahak na sinasagwan ng pinag-isang mga kamay

Monday, December 15, 2008

I got hit

...by the property market downfall
selling the house as part of the settlement on my current status

what am I losing: Money and a lot of them, the house that used to be a dream, the fruit of the many years of 'working', slaving on corporate chaos

what am I gaining: debt and a lot of them. wait.... and the support from family and dear friends. the commitment from my children that they will share the burden. Security knowing that these children are learning life's lesson that will get them started dealing with the reality of living. Freedom from a lot of unseen things...

what lesson learn: nothing is permanent in this world. only love endures.

what to do next after crying it all out: start smiling, life is short, enjoy the things that cannot be bought because that is where the true riches lies.

Thursday, December 11, 2008

Tubig ng buhay

malalim, malayo ang pinanggagalingan
mga patak mula sa hamog ng mga dahon
nananaluytoy sa bawa't sanga
tinatahak lahat ng daan

dumaan, pilit na kumawala sa lahat ng balakid
kahit pa ang mundong baligtad
kahit pa ang disyertong uhaw
sa bagyo at tagtuyot... tuloy ang agos

bukal... batis ng pag-ibig...
hindi ang sandaling init lang ng araw
hindi ang sangga ng anumang hadlang
ang sisikil sa tubig ng buhay....

Monday, December 8, 2008

Moving Out

I shared this with a friend before, but would want to keep a note of it to remember how I was feeling on this turn of year.

One of my daughters had her birthday on September... and the morning of her birthday I asked, what did she want for her birthday... I was taken aback by her answer...

"I should be living on my own at this age".

I took that by the heart

I somehow know that this is going to happen.

I have never 'owned' any of my children, because I know they belong to the world, they will drive their own lives, but have I totally unleashed them?

I cried for days... realising and saying what I have written earlier...

At the end of the day... there is only one left... my dear old self