Panahon na para isulat ang mga bagay na dapat isulat... hindi ako bumabata, hindi makapaghihintay ang mga bagay na nasa magulo at masalimuot kong utak...
Pira-piraso, bakit kasi hindi buo.. kailan ba nabuo ang buhay? kahit ang mga pirasong iyan, meron pang mga umagaw at niyapakan para magkadurog-durog e.. buti na lang laging me lakas para damputin ulit.. punasan at ibalik sa kinalalagyan..
Saan ba ako magsisimula? uunahin ko na ang pirasong iyon na mukhang malinis, at ang kulay ay matingkad..
Brownie... (Star Scout na tawag ngayon)
Bagong kulot na buhok, kulay tsokolateng matigas sa almirol na damit..
"oy wag kang uupo, malulukot!"
"Oho"!
"Tingnan mo itong... bakit ka nakasimangot?"
Pinilit ang ngiting lumabas, eh pano ka di sisimangot, ang kati-kati ng kili-kili ng damit na ito.. eh ano ba kasi at naging Brownie ako? Kasi naman itong teacher na si Ms. Butil, na laging naguutos sa akin na magbigay ng sulat sa diko ko, kinausap yata ang nanay ko.. ang natandaan ko lang, nagtataka ako non, sabi nila mamupo sa nakakatanda, eh bakit ang nanay ko pinupupo si Ms Butil? Pagkatapos non, sabi Brownie na raw ako... at hahanap daw ng ninang.. Ninang? gusto ko iyon, kasi pag pasko wala akong pinupuntahan na Ninang o Ninong, sa malayo daw nakatira, ngayon meron na akong ninang na sa malapit lang nakatira.
"O, 'lika na, baka tayo mahuli"
Kati-kati talaga pati yung salawal ko kasi inalmirulan... ang hapdi sa singit.. kumakaskas dun sa kinurot ng nanay ko, kasi daw ang tamad-tamad ko.. lagi na lang yun ang naririnig ko.. di na nga ako nakakalaro eh.
Itaas ang kanang kamay at sumunod:
".... gagampanan ko ang tungkulin..."
".... gagampanan ko ang tungkulin..."
"... sa aking Bayan..."
"... sa aking Bayan..."
Ang tagal naman, gusto ko ng hubarin ang damit na ito!

No comments:
Post a Comment