Pinagmamasdan ka sa iyong pagtulog... katulad ng mga nag daang mga araw... isang bagay na laging inaasam na gawin sa gabi-gabi ng mga dumaraang araw.. ngayon ay iba sa lahat ng gabi... walang pagkapatid ang tingin na ibinibigay, inaayawan ang antok na gustong sumingit...
Talagang napakahalaga ng bawat sandali ng gabing ito... dahil magdaraan ang ilang araw na di ka makikita... ilang araw na sa ngayong kaisipan ay hindi na mabilang.. bumabalik sa ala-ala ang mga nakaraan... kapag ako ang kailangan lumayo... katulad ng ating pinagumpisahan.. sinasabing.. hahanapin kita.. dahil alam natin na mapuputol ang tuloy-tuloy na daloy ng mga salita, salitang para sa pandinig ng bawat isa...
katulad ng nabanggit ko na noon... kahit saang lugar ako magpunta, hahanap at hahanap ng paraan na madugtungan, na maparating sa iyo.. at sabihing nandito ako... iniisip ka.. ikaw ang kasama ng magtampisaw ako sa maalat na Dead sea.. ikaw ang parang haring kaagapay ng lakad sa mga palasyo ng Jordan... Ikaw ang kasamang kumukuha ng litrato sa mga lumang romanong gusali sa Amman at sa Jerusalem... Ikaw ang kasabay na naglalakad sa pasikot-sikot na gilid ng bundok ng Petra... Ikaw ang kasama at kausap sa isipan habang pinagmamasdan ang mga Palestino... ang mga hudyo..
Ikaw ang kasama sa mga pagkain sa iba't-ibang lugar, ikaw ang kasama sa pagtulog, ikaw ang kasama sa mga paglalakbay..
Katulad na ikaw ang kasama sa bawat gabi ng buhay ko.. magmula na makilala ka... magmula ng sabihing minamahal kita..
Sa iyong pagalis mahal ko.. katulad ng laging sinasabi sa iyo.. nandito lang ako.. at nandito rin ikaw, kahit malayo.. nandito ka sa puso ko...
Makikita mo ako sa mukha ng mga taong makakasalubong mo.. nandon lang ako.. sa bawat pagkain isipin mo na kasama mo ako.. kasalo sa mga pagtikim..
Magkita tayo sa pagtingin mo sa alon ng mga tubig.. nandon lang ako.. sa pagtingala mo sa langit.. maaaninag mo ang hugis ko.. nandon lang ako... sa pagdinig mo sa musika na gawa ng kalikasan.. ng awit ng mga ibon.. ng hangin... maririnig mo ako... nandon ako.. ibubulong sa iyo.. mahal na mahal kita
.

No comments:
Post a Comment