Ah ang bakasyon, isang malaking bahagi ang usaping bakasyon sa kung anong katayuan natin ngayon sa isa't-isa... ang pag-uwi ko sa Pilipinas ang nagbukas ng daan para masabi ang mga salitang... mapaghanap...
'I will miss you' hahanapin kita.... at simula nga noon.. lagi na kitang hinahanap... at alam kong ganoon ka rin sa akin..
Naging masaya ang mga araw... bawa't salita ay pinapahalagahan... bawa't kaalaman tungkol sa iyo ay inaalam ko.... ang mga gusto mo... ang mga pangarap mo.. ang mga bagay na nagbibigay lugod sa iyo.. ang hilig mo...
bawat salita mo ay ninanamnam... itinatago sa puso...
Ganon din ako... bago ka dumating... parang ang buhay ay nilalaro lang ng hangin... walang mahalaga kundi mga bagay na maibibigay ko.... mga bagay na responsibilidad, bilang magulang, bilang ina, bilang asawa... walang nagtatanong ng mga.... ano nga ba ang gusto mo sa buhay? ano nga ba ang mga pangarap mo? ano ang nakaraan mo? ano ang nangyari sa iyo... sino ka? Kahit dumating ang mga gabi na tahimik na umiiyak na lang ako sa sulok... naririnig ko ... Nagtatampo ka na naman ba? ano na namang arte iyan? makakatulugan ko na lang mga impit na hikbi... tahimik, dahil kung hindi magigising ang mga tulog.
'Walang halaga' yan ang pakiramdam ko... bago ka dumating sa buhay ko..
Biglang nagbago ang lahat... meron ng nagtatanong... kumusta ang araw mo? anong kinain mo? magaling ka na ba? anong mga pangarap mo? kailan ka uuwi.. ano ba ang nagbibigay ligaya sa yo ...
nagkaroon ako ng halaga... iyan ang pakiramdam ko..
hindi na ako isang katawan lang...
No comments:
Post a Comment