Monday, September 29, 2008
Spring
Spring is here...
the cold night will finally be over...
the wind already carrying your faint scent...
let your colour shine,
before the sun fades them away...
life is short
Saturday, September 27, 2008
Nights
Thursday, September 25, 2008
Empty Room
Monday, September 22, 2008
I am here
listen to the storm
Pira-pirasong Bahagi ng Buhay... Tulya at Hipon
Katulad ng Nanay, hinika rin ako nung bata pa ako. Natatandaan ko na tuwing inuubo ako sumasakit ang tiyan ko, tumitigas ang pusod ko, at naiiyak ako sa matinding sakit. Ang gagawin ng Nanay, kukuha ng mahabang piraso ng katsa at itatali sa beywang ko, habang nakamasid ang Tatay sa isang tabi.
“Tulog na, pupunta tayo ng maaga sa ilog”
Maagang gumising ang lahat sa bahay namin, bawal ang abutan ng pag sikat ng araw. Heto na ang Tatay me dalang dyaryo at pandesal. Hawak na ako sa kamay at maglalakad kami papuntang ilog… natatandaan ko na tuwang-tuwa ako pag pupunta ng ilog, sarap kasi ng mainit na pandesal… kadalasan
Gustong-gusto kong naglalakad papunta ng ilog.. kahit mabato.. ang gaganda ng kulay ng mga bato noon, meron pang kumikinang-kinang pag tinatamaan ng sikat ng araw. Natatandaan ko kung bakit napansin ko pa ang kulay, kasi inuutusan ako ng Tatay na maghanap ng panghilod. Ang dami dami kong pinili na hindi pumasa sa pagiging ‘panghilod’.
“Huwag iyan, makinis iyan, hindi matatanggal ang libag mo diyan”.
“Masyado namang malaki iyan, yung kaya mo lang hawakan ng isang
“Yung medyo malapad”.
“Sobrang gaspang naman niyan, tanggal pati balat mo diyan”.
“O sige, puede na iyan”.
Pababa ang tinatalunton naming daan papunta sa ilog… nauuna na ako sa Tatay at patakbo akong pupunta sa ilog…
“Tinamanang…. ‘wag
Ang linaw ng tubig, kitang-kita mo ang mabatong ilalim… tulya, hipon, mga isdang pasikot sikot sa mga bato, tuwang-tuwa ako.
“
“O sige, yung malalaki lang hane.”
At habang nagbabasa ng dyaryo ang tatay sa loob ng bangkang nakatali sa gilid ng ilog, nanunulya naman ako… tuwang-tuwa ako sa pagmamasid sa pagsara at pagbukas ng mga tulya… sarap nito sa sawsawang suka at bawang. Ang mga paglundag-lundag ng hipon na parang salamin, di ko halos makita sa tubig… kailangang ilapit pa ang mga mata. Hindi ako makahuli ng hipon, hindi ko natandaan na nakahuli ako kahit isa, pati isda ang bibilis, buti pa ang tulya di umaalis sa kinalalagyan. Hindi kaya sila naiinip? Naghihintay na lang ng me dadampot, ayokong maging tulya, gusto ko
“O halika na at mainit na.”
“Oho.”
"Tay o, daming tulya niyan."
Takbo na ulit ako pauwi, nakalimutan na ang ubong di nagpatulog ng gabing nagdaan.
.
Sunday, September 21, 2008
Hope
Saturday, September 20, 2008
Courage
Beauty
Chilled
Thursday, September 18, 2008
Hahanapin Ka
Talagang napakahalaga ng bawat sandali ng gabing ito... dahil magdaraan ang ilang araw na di ka makikita... ilang araw na sa ngayong kaisipan ay hindi na mabilang.. bumabalik sa ala-ala ang mga nakaraan... kapag ako ang kailangan lumayo... katulad ng ating pinagumpisahan.. sinasabing.. hahanapin kita.. dahil alam natin na mapuputol ang tuloy-tuloy na daloy ng mga salita, salitang para sa pandinig ng bawat isa...
katulad ng nabanggit ko na noon... kahit saang lugar ako magpunta, hahanap at hahanap ng paraan na madugtungan, na maparating sa iyo.. at sabihing nandito ako... iniisip ka.. ikaw ang kasama ng magtampisaw ako sa maalat na Dead sea.. ikaw ang parang haring kaagapay ng lakad sa mga palasyo ng Jordan... Ikaw ang kasamang kumukuha ng litrato sa mga lumang romanong gusali sa Amman at sa Jerusalem... Ikaw ang kasabay na naglalakad sa pasikot-sikot na gilid ng bundok ng Petra... Ikaw ang kasama at kausap sa isipan habang pinagmamasdan ang mga Palestino... ang mga hudyo..
Ikaw ang kasama sa mga pagkain sa iba't-ibang lugar, ikaw ang kasama sa pagtulog, ikaw ang kasama sa mga paglalakbay..
Katulad na ikaw ang kasama sa bawat gabi ng buhay ko.. magmula na makilala ka... magmula ng sabihing minamahal kita..
Sa iyong pagalis mahal ko.. katulad ng laging sinasabi sa iyo.. nandito lang ako.. at nandito rin ikaw, kahit malayo.. nandito ka sa puso ko...
Makikita mo ako sa mukha ng mga taong makakasalubong mo.. nandon lang ako.. sa bawat pagkain isipin mo na kasama mo ako.. kasalo sa mga pagtikim..
Magkita tayo sa pagtingin mo sa alon ng mga tubig.. nandon lang ako.. sa pagtingala mo sa langit.. maaaninag mo ang hugis ko.. nandon lang ako... sa pagdinig mo sa musika na gawa ng kalikasan.. ng awit ng mga ibon.. ng hangin... maririnig mo ako... nandon ako.. ibubulong sa iyo.. mahal na mahal kita
.
Saturday, September 13, 2008
Pira-pirasong Bahagi ng Buhay... Brownie
Pira-piraso, bakit kasi hindi buo.. kailan ba nabuo ang buhay? kahit ang mga pirasong iyan, meron pang mga umagaw at niyapakan para magkadurog-durog e.. buti na lang laging me lakas para damputin ulit.. punasan at ibalik sa kinalalagyan..
Saan ba ako magsisimula? uunahin ko na ang pirasong iyon na mukhang malinis, at ang kulay ay matingkad..
Brownie... (Star Scout na tawag ngayon)
Bagong kulot na buhok, kulay tsokolateng matigas sa almirol na damit..
"oy wag kang uupo, malulukot!"
"Oho"!
"Tingnan mo itong... bakit ka nakasimangot?"
Pinilit ang ngiting lumabas, eh pano ka di sisimangot, ang kati-kati ng kili-kili ng damit na ito.. eh ano ba kasi at naging Brownie ako? Kasi naman itong teacher na si Ms. Butil, na laging naguutos sa akin na magbigay ng sulat sa diko ko, kinausap yata ang nanay ko.. ang natandaan ko lang, nagtataka ako non, sabi nila mamupo sa nakakatanda, eh bakit ang nanay ko pinupupo si Ms Butil? Pagkatapos non, sabi Brownie na raw ako... at hahanap daw ng ninang.. Ninang? gusto ko iyon, kasi pag pasko wala akong pinupuntahan na Ninang o Ninong, sa malayo daw nakatira, ngayon meron na akong ninang na sa malapit lang nakatira.
"O, 'lika na, baka tayo mahuli"
Kati-kati talaga pati yung salawal ko kasi inalmirulan... ang hapdi sa singit.. kumakaskas dun sa kinurot ng nanay ko, kasi daw ang tamad-tamad ko.. lagi na lang yun ang naririnig ko.. di na nga ako nakakalaro eh.
Itaas ang kanang kamay at sumunod:
".... gagampanan ko ang tungkulin..."
".... gagampanan ko ang tungkulin..."
"... sa aking Bayan..."
"... sa aking Bayan..."
Ang tagal naman, gusto ko ng hubarin ang damit na ito!