Sunday, March 14, 2010

kaarawan

para sa iyong kaarawan...
walang hanggang bughaw na kalangitan
walang hanggang liwanag ng araw
walang hanggang kutitap ng mga bituin
walang hanggang alon ng karagatan

ang lahat ng bango at kulay ng mga bulaklak
bigkis ang sanlaksang sigla

ang walang tigil na inog ng oras
dala'y bawa't pintig ng pag-ibig

huni ng mga ibon, himig ng kalikasan
dala'y awit ng diwa

lakas na galing sa bawa't himaymay ng laman
natitirang mga taon ng buhay
tibok ng puso

ang lahat ng nasa kalawakan at ng nasa lupa
ang lahat-lahat ng akin...
buong pagmamahal na handog sa iyo....
sa iyong kaarawan.

1 comment:

onerazaN said...

wow... napaka MAKATA mo naman pala! Beautiful, just beautiful. No wonder you are so blessed!